Photos
Paglalakbay (Travel)
Photos and brief story by Jayson Jaylo.
Sa pag kahilig ko sa camera napagpasyahan kong ipagpatuloy ito sa pamamagitan ng pag kuha ng mga litrato sa ibat-ibang lugar dito sa bayan natin o sa kung saan man ako dalhin ng aking mga paa. at dun ko nakita ang mga nakatagong kagandahan na sa unang tingin ay hindi ito kagad mapapansin sa ordinaryong tingin lamang. Noon pa man kaisa nako sa pangangalaga ng ating kalikasan natutunan ko nung ako’y nagging myembro ng MALAYANG MAMUMUNDOK PARA SA KALIKASAN (M2K), INC. at dito nahubog ang aking kaisipan kung papaano magpahalaga sa lahat ng bagay sa ating kapaligiran, dahil ang lahat ay magkakaugnay tao, hayop, kabundukan, kagubatan, karagatan, ang lahat ay may partisipasyon sa pagbuo ng panibagong buhay maliit man o malaki. - Jayson Jaylo



